TRUCK NAG-DIVE, MAG-LOLO PATAY



Kalunus-lunos ang kamatayang sinapit ng isang mag-lolo matapos na madaganan ang kanilang bahay nang nag-dive na trailer truck mula sa isang tulay sa ­Pandacan, Maynila kahapon.



Dead-on-the-spot ang mag-lolo na kinilalang sina Danilo Baltazar, 70-anyos at John Dave, 8-anyos, nakatira sa ilalim ng Zamora Interlink Bridge sa Pandacan ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ni Manila Police District (MPD) Director Superintendent Rolando Gonzales, alas-3:00 ng hapon kahapon nang mangyari ang aksidente.

Sinasabing nasa Zamora Interlink Bridge ang trailer truck nang bumagsak ito sa Tomas Claudio Street kung saan naman ay nakatira ang mag-lolo.



Natumbok ang bahay ng mag-lolo dahilan upang ang dalawa ang mapuruhan sa nangya­ring trahedya.

Naipit ang mag-lolo kung saan ay tumagal pa ng ilang oras bago naiangat ang truck na dumagan sa mga ito.

Napag-alaman ding maliban sa mag-lolo ay sugatan sa nangyaring aksidente ang ilan nilang kapitbahay.

Nagtamo rin ng su­gat sa ilang bahagi ng katawan ang driver ng truck na si Reinaldo Acosta at pahinanteng si Herman Pider.

Ayon sa driver, nawalan umano ng preno ang truck hanggang sa tuluyan itong bumulusok sa mga kabahayan.



Samantala, kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring aksidente.

Comments

Popular posts from this blog

Meet Gianna Revilla, the Lovely Daughter of Lani Mercado-Revilla and Bong Revilla

Pauline Luna-Sotto nag silang ng isang malusog na baby girl, Bosing sobra sobra ang kagalakan. Tingnan ang buong kwento...

Ito pala ang mga posibleng mangyari kung mag susuot ka ng medyas bago ka matulog. Basahin ang buong Detalye..